Tauhan At Tagpuan Sa Kabanata 16 Ng Noli Me Tangere

Tauhan at tagpuan sa kabanata 16 ng noli me tangere

Mga Tauhan at Tagpuan sa Noli Me Tangere Kabanata 16: Si Sisa

Mga Tauhan ng Noli Me Tangere sa Kabanata 16: Si Sisa

Ang mga tauhan na bumubuo sa Kabanata 16 ng Noli me Tangere ay sina:

  • Sisa
  • Pedro
  • Crispin
  • Basilio
  • Pilosospo Tasyo

Sisa

Siya ang ulirang ina nina Basilio at Crispin. Siya ay isang mabuting ina sa kanyang mga anak. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking iresponsible sa buhay. Suya ay isang martir na asawa na di kayang ipaglaban ang mga anak sa harap ng asawa at walang kalaban-laban sa pagmamalupit ng asawa. Sa kabanata 16, siya ay isang butihing inang naghanda ng mga paboritong pagkain ng mga anak habang hinihintay ang pag-uwi ng mga ito sa trabaho bilang sakristan.

Pedro

Siya ang batugang ama nina Basilio at Crispin na asawa ni Sisa. Siya ay isang lalaking sugarol at walang paki-alam sa kanyang pamilya. Umuuwi lamang siyang kumain at guluhin ang pamumuhay ng kanyang pamilya. Isa siyang lalaking tamad at iresponsible sa kanyang pamilya.

Crispin

Siya ang bunsong kapatid ni Basilio na anak ni Sisa. Kasama siya ni Basilio bilang sakristan. Siya ay pinagbintangang may ninakawa kayat hindi siya pinauwi sa kabanata habang ang ina ay nag-aalala.

Basilio

Siya ang panganay na anak ni Sisa na kapatid ni Crispin. Isa siyang sakristan katulad ni Crispin. Humahangos siyang umuwi sa Kabanata 16 upang ipamalita sa kanyang ina ang nangyari kay Crispin sa kumbento.

Pilosopo Tasyo

Siya ay isang taong galing sa mayamang angkan. Siya ang nagbigay ng mga pagkain na ihahanda ni Sisa para sa mga anak na sa huli ay kinain ng asawang si Pedro.

Tagpuan ng Noli Me Tangere sa Kabanata 16: Si Sisa

Ang tagpuan sa kabanata 16 ng Noli me Tangere ay sa maliit na dampa sa labas ng bayan ng San Diego. Naghahanda si Sisa ng mga pagkain para sa pag-uwi ng kanyang mga anak galing sa kumbento bilang mga sakristan. Siya ay nag-aalala habang hinihintay ang kanyang mga anak dahil oras na ng pag-uwi ng mga ito pero wala pa ang mga ito. Dumating naman ang asawa ni Sisa sa kanilang bahay at kinain lahat ang kanyang mga inihanda para sa mga anak.

Ibigay ang buod ng Noli Me Tangere (Kabanata XVI) at sagutin ang mga tanong brainly.ph/question/2070822

Mga katangian ni sisa sa noli me tangere brainly.ph/question/2115587

Ano ang naiambag ni Sisa sa Noli Me Tangere brainly.ph/question/2168419

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

El Filibusterismo Kabanata 14 Suliraning Panlipunan

Tauhan Sa Kabanata 35 Noli Me Tangere (May Diskripsiyon)