Mga Halimbawa Ng Istrukturalismo

Mga halimbawa ng istrukturalismo

 Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura. Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binibigkas. Narito ang mga halimbawa ng Istrukturalismo:

1. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba  pang salita kung saan ito ay napapabilang. Nalilikha lamang kung ganoon ang kahulugan dahil sa pagkakaiba ng salita sa iba pang salita. Ito ay sistema ng senyas na binubuo ng tagasagisag (signifier) at sinasagisag (signified).

  • "pula" = mainit, "bughaw" = malamig

         Tagasagisag ("pula") at  Sinasagisag ("mainit")

2. Sa mga naratibo naman ay ginamit ng mga istrukturalista ang analohiya ng wika kung saan ang konsepto ng syntax sa pangungusap ay ginawang modelo para sa kanilang analisis. Halimabawa ang isruktura ng fairy tales sa pamamagitan ng simuno (subject) at panaguri (predicate) ng pangungusap. Mula dito ay nabuo ang naratibo ng pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa pagpapakilala sa bida hanggang sa kanyang pagpapakasal sa "premyo" (karaniwan prinsesa) at pag-upo sa trono.

  • Subject/Object

        Sender/Receiver

        Helper/opponent

3. May pattern ng istruktura kung saan mahuhugot ang kahulugan na siyang lumikha ng institusyong panlipunan at kaalaman. Dito naimbento ang konsepto ng kabilaang tunggalian; tunggalian na maaaring irepresenta sa mga sumusunod na salita :

  • Hari/Alipin

        Mayaman/Mahirap

        Natural/Kultural

 Sa kabuuan, masasabi na ang Istrukturalismo ay lumitaw bilang reaksyon sa namamayaning teorya na Formalismo. Layon nitong isantabi ang awtoridad ng awtor at itanghal ang paghahari ng sistema kung saan ang lahat ng kahulugan ay matatagpuan.  


Comments

Popular posts from this blog

El Filibusterismo Kabanata 14 Suliraning Panlipunan

Tauhan Sa Kabanata 35 Noli Me Tangere (May Diskripsiyon)