Ano Ang Naging Dahilan Ng Pagpunta Ni Florante At Ng Kaniyang Ama Sa Crotona?
Ano ang naging dahilan ng pagpunta ni florante at ng kaniyang ama sa crotona?
Ang dahilan kung bakit nagpunta si Florante at ang kanyang ama sa Crotona ay dahil sa ang Crotona ay nasa ilalim ng hukbong Persyano na pinamumunuan ni Heneral Osmalic. Ito ay makikita sa saknong 258-260. Pinabalik si Florante sa Albanya dahil namatay ang kanyang ina. Pagkarating ni Florante sa kanyang bayan, nagyakapan ang mag-ama at biglang dumating ang hari ng Albanya na may dalang liham galing sa Crotona.
Matatandaan na ang Crotona ay ang bayang sinilangan ng ina ni Florante na si Prinsesa Floresca, kaya dali-dali ding pumunta ang mag-ama sa Crotona upang tumulong.
Narito ang saknong 258-260 ng Florante at Laura:
"Nakapanggaling na sa palasyo real
at ipinagsabi sa hari ang pakay;
dalay isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkang kaniyang biyanan."
"Humihinging tulong at nasa pangamba,
ang Krotonang Reynoy kubkob ng kabaka;
ang puno ng hukboy balita ng sigla —
Heneral Osmalic na bayani ng Persya."
"Ayon sa balitay pangalawa ito
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo —
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko."
Para sa karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment