Ano ang nagawa ng rebelyong saya-san at thankin Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag- aral sa loob at labas ng bansa. Bagama't binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan. Si Saya San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930 hanggang 1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya San. Tulad ng Rebelyong Saya San, hangad din ng All-Burma Students' Union na makamit ang kalayaan ng Burma. Tinatawag na Thankin ang mga miyembro ng samahang ito na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila ang kanilang mga hangarin